quotesite:

Tumblr Quotes
tumblrrmokong:

-Marangal na propesyon din ang pagiging katulong katulad ng pagiging nurse, pero iba kasi ang pagiging nurse sa pagiging katulong ser. Nag-aral po kami ng apat na taon at nagdaan sa pagsusulit para tawaging PROPESYONAL ng ating gobyerno at ng mga tao.
-Hindi kami yung nakikita mong naglilinis ng sahig, ng banyo, nagluluto at kung anu-ano pa. Nag-aassist kami sa Operating Room. Kami ang taga-compute ng gamot na inoorder ng mga duktor at siyang nagbibigay nito sa mga pasyente. Kami ang nag-aaruga sa misis o nanay o ate mo na nanganak at sa sanggol na siyang galing sa sinapupunan nila. Kung mamamatay ka na, kami rin ang mag-aalaga sa bangkay mo.
-Hindi lang yun, kami rin ay nagtuturo sa kung ano ang dapat at di dapat gawin ng isang indibidwal ukol sa kanyang kalusugan.
Marami pa kaming ginagawa na hindi mo alam. Alam mo ba na inaral din namin ang pinakamaliit na microorganism hanggang sa pinakamalaking uri ng makina na pangdetect kung anong uri ng karamdaman meron ka.
NGAYON MO SABIHIN NA WALA KAMING PINAGKAIBA SA MGA KATULONG SER!
PERO KAHIT NA GANYAN ANG UGALI MO TOWARDS SA MGA KAGAYA KONG NURSE, WILLING PA RIN AKONG ALAGAAN KA KAPAG MAGKAKASAKIT KA AT MAGING PASYENTE KITA O KUNG SINUMANG KAMAG-ANAK MO KASI NAG-ARAL AKO PARA GAWIN YUN. :)
tumblrrmokong:

“Nurse kami…Hindi basta libro ang binabasa namin, kundi makakapal na libro, yung tipong mas mabigat pa sa utak ng tao. Sa sobrang bigat nito, hinati na sila sa dalawang magkahiwalay na volume. Hindi pa natuwa yung gumawa, may hiwalay pa na worksheet. Mapapa-“sheet” ka talaga kapag sinimulan mo siyang sagutan.Nurse kami…Hindi basta exam ang sinasagutan namin, hindi basta multiple choice o identification.­ Ang bawat tanong sa amin, may kwento, may karanasang nakapaloob. Sinasanay kaming sumagot, makisalamuha at makipag-usap sa bawat uri ng tao. Sinasanay kaming alamin at pakisamahan ang bawat isang tao na nasa loob at labas ng hospital. Doktor, pharmacist, dietician, medical technologist, pati nga mga radiologist. Lahat ng yan, kahit paunti-unti, pinag-aralan namin ang kanilang nalalaman, upang sa pagkakataon na nagkakaroon ng banta sa buhay ng pasyente, hindi kaming parang lutang na susunod ng basta-basta. Lahat sila, idagdag ang pasyente sampu ng mga kamag-anak nila, pinag-aralan naming pakisamahan.Nurse kami…Hindi kami basta lang nag-aalaga ng pasyente, nagdudugtong kami ng buhay. Sa bawat paalala namin, sa bawat pagsubo ng pagkain, sa bawat paglilinis ng katawan, sa pagtulong na magbihis, sa pagbibigay ng gamot, hindi lang namin kayo basta inaalagaan, buhay ang dinudugtungan namin.Nurse kami…Hindi papel ang hawak namin, hindi pera ang binibilang. Hindi kami nakaharap sa computer, hindi kami nagtatayo ng bahay. Pero sa amin, walang delete, walang back space, walang auditing. Hindi uso ang take 2, hindi pwede ang recounting. Dahil sa amin, ang pagkakamali ay katumbas ng isang buhay. Isa sa mga buhay na ipinagkatiwala sa aming mga kamay.Sa bawat sanggol na natulungan namin makaiyak ng maayos pagkatapos i-suction…Sa bawat balikat at kamay ng inang nagsisilang na sanggol na hinawakan namin…Sa bawat yakap at ngiti na ibinigay namin sa bawat batang umiiyak…Sa bawat pawis na tumulo at paang nangalay habang nasa mahabang operasyon…Sa bawat pag-alalay sa paggalaw sa mga matandang pasyente…Sa bawat sigaw na tinaggap mula sa doktor o pasyente kahit na walang kasalanan…Sa bawat suka, dumi, ihi at dugo na minsang nagmantsa sa puti naming uniporme…Sa bawat tanong na sinagot ng ngiti..Sa lahat ng wheelchair na itinulak namin palabas ng hospital para sa pasyenteng gumaling at napagaling…Sa pagtitiyagang magbigay ng hot o cold compress…Sa bawat pagtitiyagang maglinis ng sugat at magwound dressing.Sa bawat bed making at bedside care.Sa bawat TSB…Sa bawat charting…Sa bawat endorsement…Sa bawat pagsisikap na maka-in ng IV line ng isang beses lang…Nurse kami, at kahit pa caregiver ang trabaho namin sa ibang bansa, mananatili ang karapatan naming irespeto ng kapwa namin. Respeto, at kailanman ay hindi dapat kwestyunin ang kakayahan at galing.”
ispeakquotes:

TEENAGER LOVE QUOTES
G.V.N.N
Design by Athenability
Powered by Tumblr